Monday, August 15, 2011

May Halaga ba ang Pagsusulat?

Pagsusulat...bakit nga ba nagsusulat ang tao??

dahil ba sa sabi ng titser niya?
dahil ba nasa mood siya?
dahil ba gusto lang niya?
dahil ba kailangan niya magsulat para maligtas ang ibang tao?

pero...

bakit kaya...
para saan?
kahit na alam niya siguro na pwedeng hindi ito mabasa ng taong gusto niyang makabasa nito
kahit na alam niya na pwedeng hindi ito magustuhan ng ibang tao

...

ang pag susulat ayon kay pareng wikipedia ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag.

ngunit may tanong...may halaga nga ba ang pagsusulat?

kung ako ang sasagot sa katanungang iyon...
masasabi kong
mahalaga ang pagsusulat
hindi lang para mabuksan ang mga isip ng tao sa mga pangyayari sa kanyang paligid(newspaper, magazines, internet, etc)
kundi para din makapagdagdag ng kaalaman ng isang tao. nakatutulong din ito para ma'enhance ang syncronization
ng kamay, utak pati ng emosyon ng isang tao
kumbaga halimbawa nakakaramdam ka ng kalungkutan, galit, puot o kasiyahan siyempre mag iisip ka kung bakit
paano, sino at kung anong gusto mong mangyari sa nararamdaman mo...kung anong gusto mo sanang masabi sa ibang tao tungkol
sa nararamdaman mo pero hindi mo masabi sabi dun na papasok siyempre yung kahalagahan ng pagsusulat...
bakit??
kasi ang pagsusulat minsan nakakaneutralize ng nararamdaman...
kung wala kang ibang makausap, mapaglubagan ng loob, masandalan,
andyan lagi ang papel, lapis, bolpen at ang nararamdaman at naiisip mo para makatulong sayo
kapag galit na galit ka magsulat ka isulat mo ang galit mo,
isulat mo ang nararamdaman mo
isulat mo ang gusto mong sabihin sana ng harapan pero di mo magawa gawa
isulat mo lahat
mahahalata mo na lang maya maya nababawasan na yung galit mo
mahalaga diba?
kung masaya ka naman
magsulat ka ulit...
isulat mo kung bakit
isulat mo kung gano ka kasaya...
kung anong naramdaman mo...
edi kung sakaling malungkot ka may mababasa ka para mapawi ang kalungkutan mo
na'preserve pa yung panahon at pati na din yung ala ala...may makapag papaalala sayo kung gano kasaya maging masaya
kung sa mga professionals naman mahalaga ang pagsusulat dahil ito ang nagiging basehan nila sa mga desisyon na ginagawa nila
para may marerebyuhan sila tungkol sa mga obserbasyon nila ngayon tas sa mga susunod na araw, kung may pagbabago ba
kung may mali sa ginawa nila...may napagbabasehan sila ng mga pagbabago at mga dapat pang baguhin
para sa ating mga mamamayan, mahalaga ang pagsusulat dahil ito ang paraan natin ng pag papalawak ng ating
saloobin para sa ating mga kasamahan
para sa ating pag aaral,
para sa pagpapatibay ng ating bokabularyo at kakayahang magsulat
para maipaintindi natin sa ibang tao ang mga bagay na mahirap ipaintindi kapag sa salita
mahalaga talaga ang pagsusulat kahit saan ka pumunta...
maging aksesorya man ito sa pag aaliw
o sa kasamaan
o sa kabutihan...kahit balibaliktarin natin
mahalaga at mahalaga talaga ang pagsusulat
kahit sa mga  pagrereklamo kailangan isulat mo sa papel ang reklamo mo para bigyan ka ng pansin ng mga opisina
para kumilos sila...dapat may sulat kung wala...kung puro lang salita...wala silang ginagawa
kahit sa simpleng excuse letter lang...
di naman maniniwala ang mga guro na may nararamdaman kang masama kung salita lang...
kung sa pag report...pano ka mabibigyan ng marka kung walang mapagbabasehan ang mga guro tungkol sa pagreport mo
kung walang hardcopy na matitingnan kung tama ba o mali ang impormasyon na iniulat mo.
magsusulat ng notes para maalala mo ang mga diniscuss sa mga nakaraan na meeting sa isang subject
yan...
mahalaga talaga ang pagsusulat

3 comments:

  1. nice ana...
    astig ang paka gibo...magayon ang article..makahulugan, hararom ang gustong sabihon.
    ngtatao ning ingganyo sa mga taong dae para surat...nice 1 ana.

    ReplyDelete
  2. me0n . pe0 pg'ndedz qta . dai ta neang qaipuhan . hhe . mei pt ? .

    ReplyDelete
  3. ...aux tlgah mau nah kong masabi.,pgbuh man daw akoh ana mau kea kong maicp.,ahehehe

    ReplyDelete